UPDATE: Tsunami alert sa Negros, Cebu inalis na

KINUMPIRMA ni Mayor Reynaldo Tuanda, ng Jimalulod, Negros Oriental na inalis na ang tsunami alert sa kanilang lalawigan makaraang tumama ang 6.8 lindol na sinundan pa ng 42 aftershocks.

Ito ay matapos masiguro ng Philippine Institute for Volcanology and Seismology (Phivolcs) na wala nang dapat na ipangamba ang mga residente sa lugar matapos itaas sa alert 2 ang tsunami warning partikular sa Negros at Cebu islands.

Ganap na alas-12 ng tanghali kanina nang alisin ang tsunami alert bagamat may mga naitala pang bahagyang paggalaw ng tubig sa pagitan ng Cebu at Negros.

Kasunod nito, inatasan na rin ni Pangulong Benigno Aquino III ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na i-monitor ang mga apektadong lugar para sa posibleng karagdagang seismic activity.

Sinabi rin ni Pangulong Aquino na tinututukan niya ang developments sa mga nilindol na lugar sa Visayas at Mindanao.

Sa kabilang dako, ipinag-utos naman ni DOTC Sec. Mar Roxas kay Coast Guard commandant Edmund Tan na tiyaking hindi makapalaot ang mga mangingisda habang umiiral ang tsunami alert.

Kinalampag din si PNP Chief Nicanor Bartolome na pakilusin ang mga tauhan sa PNP Region VI at VII para bantayan ang mamamayan upang hindi makalapit sa baybayin at mapanatili ang kaayusan.

Sinabi rin ni Sec. Lacierda na naka-standby na rin  ang DSWD personnel para magbigay ng kaukulang suporta at relief assistance sa mga apektadong residente.

Wala pa namang ipinatupad na forced evacuation pero pinaalalahanan ang mga mamamayan sa mga apektadong lugar na maging alerto at magsagawa ng kinakailangang safety precautions.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply