Tumangay sa P2.4M Unilever product, natiklo

ARESTADO ang limang carjackers  kabilang ang isang tauhan ng Philippines National Police  sa isinagawang follow up operation ng Manila Police District-Anti Carnapping Unit matapos na tangayin at ibenta ng mga ito ang may P2.4 milyong halaga ng iba’t ibang produkto ng Unilever sa Quezon City.

Sinampahan ng kasong carnapping and robbery sa Manila City Prosecutors Office  ang mga suspek na sina PO1 Sherwin Casaruan, nakadestino sa RPHAU-NCRPO Camp Bagog Diwa Taguig City, at Rodrigo Peralta, 34, isang family driver.

Kasong violation of PD 1612 (Possession of Stolen Property ) naman ang isinampa kina Nico Manlapaz, Alfredo Dimapilis at Elias Villamen dahil sa reklamo nina Federico Soriano, 53, truck driver ng Real Time Movers and Logistic Inc. at Gerald Ballesteros, 24.

Ayon sa isinagawang imbestigasyon ni Police Supt Rolando Balasabas ng MPD PS 4 Sampaloc, dakong alas-8:30 ngayong umaga ng maaresto ang mga suspek sa loob ng kanilang bahay.

Sa pahayag ni Soriano, binabagtas nila ang kahabaan ng Edsa Balintawak Quezon City gamit ang asul Isuzu Ten Wheeler ( TXD-536) noong Enero 28 upang i-deliver ang produkto ng Uniliver sa Cabanatuan, Nueva Ecija nang parahin umano sila ng mga suspek na nakasuot ng uniporme ng police gamit ang isang kulay itim na motorsiklo na walang plaka.

Agad silang piniringan at kinuha ang mga mahahalagang gamit gaya ng cellphone at cash money at ibang mga dokumento ng truck.

Nang makaalis ay namataan ng biktima ang gamit ng mga suspek na itim na sasakyan na naging dahilan upang ipagbigay alam sa pulisya

Ayon kay Mario Gonzales, 55, operator ng nasabing kompanya, ginamit niya ang kanyang Global Positioning System (GPS) at dito na na-locate ang kanilang truck na nakaparada sa lugar ng Vicente G. Cruz at Sorbedad st., Sampaloc, Maynila.

Dahil sa pinaigting na programa ni Manila Mayor Alfredo Lim at MPD District Director Alexander Gutierrez laban sa mga hi-jacking, carnapping at mga nagaganap na indente sa lungsod ng Maynila, agad kumilos ang mga tauhan ni Balasabas at tinungo ang lugar ng Vicente Cruz at dito nila nakita na inililipat ng nasabing produkto sa isang truck na may plakang XFK-924 na naging dahilan upang maaresto ang mga suspek.

Nang kanilang beripikahin, nakita nila sa ilalim ng upuan ang ID ni Soriano at nakita nilang may nakakabit na plakang XMG-521 na pagmamay-ari ni Casuruan.

Sa pamamagitan naman ng impormasyong nakarating sa tanggapan ni Balasabas, sinabi niya na ang suspek ay kilalang alyas na “Killua” at nakatalaga sa Camp Bagong Diwa at naglulungga sa Ramirez Street at Espanya na naging dahilan upang maaresto kasama ni Peralta.

Nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso ang mga naarestong suspek sa Manila City Prosecutors Office. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply