Umali nagmatigas sa ‘short lady’ theory

NAGMATIGAS si Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali na galing sa isang “short lady” ang dokumentong ginamit ng prosecution bilang attachment upang makakuha ng subpoena sa bank records ni Chief Justice Renato Corona.

“I will stick to my previous position that I got the documents from a short lady who passed on to me,  in between when i arrived and leave the Senate building, and until i went to DPWH (Department of Public Works and Highways),” ayon kay Umali.

Sa panayam, sinabi pa ni Umali na hindi nanggaling kay Quezon City Rep. Jorge “Bolet” Banal taliwas sa iniisip ng karamihan na mismong ang kinatawan ng lungsod ang may hawak ng kopya ng bank records ni Corona sa Philippine Savings Bank (PSBank).

“Walang ibinigay o sinabi sa akin si Bolet. He has his own story to tell,” giit ni Umali.

“But when I got the document from the short lady, and I know the importance of the particular documents that is why i handed it to Congressman Tupaz,” dagdag ni Umali.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply