Unang Ginang

NABALITA at kinumpirma ni Pangulong Noynoy Aquino na may pagtingin siya kay Grace Lee, isang South Korean TV host.

Ilang ulit na napabalita ang “love life” ni PNoy.

Walang masama dito dahil binata naman ang Pangulo at ang kanyang kaligayahan sa buhay ang hangad natin.

Noong konsehal pa tayo ng Quezon City, sa isang privilege speech ay sinabi ko na marahil ay tadhana ni noo’y Senador Noynoy na manatiling binata pa dahil sa haharapin niya ang malaking hamon sa buhay.

Doon sa pelikula, ginawang issue ng mga kalaban niya sa pulitika ang naging relasyon niya sa isang babae ngunit nanaig ang pag-ibig laban sa paninira at ginampanan pa rin niya ang pagiging presidente.

Para kay PNoy, hangad natin ang personal niyang kaligayahan sa buhay lalo na pagdating sa pagpili ng mahal niya sa buhay.

At umaasa tayo na kapag nangyari ito ay mas magiging maayos at maganda ang pamamalakad niya sa bansa, katuwang ang napili niya na maging Unang Ginang.

* * * * *
CONGRATULATIONS

Happy 44th Foundation Day sa SAINT LOUIS COLLEGE OF BULANAO (SLCB) Tabuk, Kalinga na nag-celebrate noong Feb 2-4, 2012. Congratulations sa school president na si Bishop Prudencio Andaya, Jr., Apostolic Vicar ng Tabuk, at sa officials, faculty, parents at mag-aaral ng SLCB.

Ang tema ng SLCB ay “A HEAVEN FOR PEACE.” Promote Peace and Justice consciousness, enhance Ecological and Cultural awareness. Strive for Academic Excellence and Competence. Become Good Christian disciples and leaders and attain Educational professionalism.

Kasabay nito ay ang pag-groundbreaking nina Bishop Andaya ng magiging bagong gusali ng paaralan.

Isang katuparan ng pangarap ng kabataan ng Kalinga para sa kanilang pag-aaral.

Nawa’y marami pang magagandang kalooban na makatulong sa pagtatayo ng gusali.

Ang arkitekto nga pala na binigay ng libre ang kanyang serbisyo ay si Arch. Kristina Amparo.

Mabuhay po kayo!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply