Unang mobile training bus ng Tesda umarangkada na

UMARANGKADA na sa Quezon City ang kauna-unahang mobile training bus ng Technical Education Skills and Development Authority (Tesda) na ang first stop nito ay ang barangay Bagong Silangan, Quezon City para magbigay ng libreng technical at vocational training program sa mga taga roon.

Sa isang simpleng turn over ceremony na pinangunahan nina Tesda Diector General Joel Villanueva, QC Mayor Herbert Bautista at Vice Mayor Joy Belmonte.

Nagpasalamat ang may 264 estudyante na unang makikinabang sa naturang proyekto sa mga nabanggit na opisyal.

Bukod sa 16 na computer unit na gagamitin ng mga mag-aaral para matuto sa paggamit ng computer ay mayroon ding collapsible tent sa gilid ang naturang bus na fully air-conditioned at may kapasidad na 100 mag-aaral na tuturuan ng iba’t ibang kurso.

Ayon kay Villanueva, wala ng rason upang hindi makapag-aral ang ating mga kababayan dahil ang Tesda mobile training bus na mismo ang siyang lalapit sa kanila sa iba’t ibang lugar sa ating bansa partikular sa Metro Manila.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply