Unemployment rate: Bumababa nga ba?

KAMAKAILAN ay sinabi ng National Statistics Office (NSO) na may kaunting pagbaba ang unemployment rate sa bansa. Ang tanong ng Puno’t Dulo: “bumaba nga ba?”

Ayon sa NSO, lumalabas na bumaba raw ang walang trabaho mula 7.3 (2.9 milyon) porsiyento at naging 7% (2.8 milyon) na lamang.

Ang istatistikang nabanggit ay tinututulan ng ilang sektor. Sabi nila, hindi dapat gamitin ng administrasyon ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang dating mga sukatan ng administrasyong Arroyo, kung saan ang mga naghahanap lamang ng trabaho ang binibilang na walang trabaho.

Dapat umanong masusing siyasatin ang ilang bahagi ng populasyon na napagod na sa paghahanap ng trabaho kaya’t di na kasama sa bilangan ng mga “unemployed.”

At kontra sa NSO  na bumaba ang unemployment, sinabi ng IBON Foundation na sa kanilang pagsusuma ay may 4.3 milyon ang walang trabaho at 7.2 milyon naman ang underemployed.

Ang sabi naman ng National Economic Protectionism Association (NEPA), mahirap bumaba ang unemployment sapagkat patuloy nauubos at numinipis ang ating mga industriya at mga pabrika. Dahil dito natural na lumobo ang dami ng mga taong hirap na hirap makahanap ng trabaho.

Sinabi pa ng NEPA na ang naibalita na paglipat ng pitong pabrika ng San Miguel Corp. at dalawa naman ng Ayala Corp. sa China ay dapat seryosohin ng pamahalaan.

Ito, sabi ng nabanggit na samahan, ay patunay na  dapat mag-overtime ang administrasyong Aquino. Kailangan ay may strategy ang gobyerno para sa industriyalisasyon. Kailangang mahikayat ang may kapital na mamuhunan sa pagpapalago ng iba’t ibang industriya.

Mga kapatid sa TRANSPORTER o tagapagdala ng mga kababayan natin, ke dyip, van, traysikel, traysikad, tiyak, kasama tayo o kaanak natin sa napapabilang na unemployed o underemployed.

Marami ang mga kursong ino-offer ngayon ang TESDA.  At ayon kay Director Luz Amponin, ito ay libre at di limitado sa skills. Aayudahan pa tayo sa paghahanap ng ikabubuhay.

Kaya’t kilos ka na, kaibigan!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply