UP stude hinoldap, sinaksak sa loob ng campus

MALUBHANG nasugatan ang isang student leader ng University of the Philippines (UP) nang holdapin at saksakin pa ng lalaking nagpanggap na tattoo artist sa loob mismo ng taggapan unibersidad sa Quezon City kahapon (Miyerkules, Pebrero 1).

Isinugod sa Capitol Medical Center CMC) sanhi ng tinamong mga saksak ng icepick sa mukha ang biktima na si Lordel Camille Hina, 21-anyos, fourth year Political Science major at secretary general ng UP student organization na Center for Nationalist Studies (CNS).

Nahuli naman agad at sasampahan ng kasong robbery at frustrated homicide ang suspek na si Carlo Pecayo, 35-anyos.

Narekober din sa suspek ang dalawang laptop computer at ang icepick na pinaniniwalaang ginamit sa pagsaksak kay Hina.

Itinanggi naman ng suspek ang akusasyon laban sa kanya.

Hinahanting na din ng pulisya ang dalawa hanggang sa tatlong iba pang suspek upang panagutin sa krimen, na ang isa ay nakilalang si Dante Santos na hinihinalang kasabwat ni Pecayo.

Ayon sa UP police, naganap ang insidente dakong alas-4:30 ng hapon sa loob mismo ng opisina ng University Student Council Office (USCO) sa Vinzons hall.

Bago ito, nabatid na pumasok si Pecayo sa USCO at nagpanggap itong isang tattoo artist at nagtanong hinggil sa schedule ng UP Fair.

Pero nang makatiyempo, bigla umanong pumasok sa opisina ng biktima ang suspek at nagdeklara ng holdap, at sapilitang hiningi ang cellphone at pera ni Hina.

Nang tumanggi ang biktima, sinaksak umano ito ni Pecayo at saka tumakas pero nahuli siya ng UP campus police nang mapansin ang kahina-hinalang ikinikilos habang naglalakad sa kalsada.

Dahil sa insidente, naghigpit ng seguridad ang nasabing unibersidad lalo na sa bisinidad ng Vinzons Hall para hindi na maulit ang naturang insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply