UPDATE: 2 pang flight ng Cebu Pacific kanselado

DAHIL sa sama ng panahon, muling nagkansela ng biyahe ang Cebu Pacific sa Ninoy Aquino International Airport kaninang umaga.

Kinansela ang flight na 5J 196 na dapat ay naka-alis dakong 9:20 ng umaga sa NAIA Terminal 3 pero agad itong kinansela dahil sa nararanasang sama ng panahon.

Kanselado rin ang return flight nito 5J 197 na dapat ay parating sa Manila ng alas-11:40 ng umaga mula naman sa Cauayan Isabela.

Sa kasalukuyan, apat na flights ng Cebu Pacific ang kinansela mula kaninang alas-6:30 ng umaga.

Samantala, hindi pa nagsususpinde ng kanilang flight ang iba pang airlines

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply