UPDATE: 6 na patay sa 6.8 lindol sa W. Visayas

UMAKYAT na sa anim katao ang kumpirmadong namatay sa pagyanig ng magnitude 6.8 na lindol sa Western Philippines, kabilang ang dalawang bata na nadaganan ng gumuhong pader kaninang umaga.

Una nang kinilala ang dalawang biktima na sina Bernadeth Raidan, 9-anyos, estudyante ng Matuog Elementary School, nadaganan din ng konkretong pader ng nasabing paaralan at isang Ma. Fe na napisak din sa gumuhong pader ng kanilang bahay sa Negros.

Ang lindol ay tumama sa 70 kilometro o 44 miles silangan ng Dumaguete City sa Negros Island, alas-11:49 ng umaga, may lalim na 46 kilometro, ayon sa pahayag ng US Geological Survey.

Ayon naman sa Philippine Institute for Volcanology and Seismology (Phivolcs), nasukat nila ang lindol na magnitude 6.9 na ang shallow depth ay 10 kilometro, na nasa sentro ng “heavily populated central island province” ng Negros at Cebu.

Nauna nang itinaas ng Phivolcs ang tsunami warning level 2 ng isang three-stop alert level para sa mga coastal areas sa Negros, na ang ibig sabihin ay pinalalayo mula sa tabing dagat ang mga residente at maging mapagmasid sa anomang senyales ng pagtaas ng tubig sa karagatan.

Sa kasalukuyan, may 29 katao pa ang naitatalang missing at isang mall na rin ang gumuho dahil sa lindol.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply