UPDATE: 2 Dayuhan, 2 Pinoy dinukot sa Tawi-Tawi

KUMPIRMADONG dalawang foreign nationals at dalawang Pinoy ang dinukot sa Tawi-Tawi kanina.

Dinukot ng hindi nakilalang mga suspek sina Ewold Horn, 52, ng Holland; Lorenzo Vinciguerre, 47, ng Switzerland at ang mga Pinoy na sina Ivan Sadinas, 35 at ang municipal councilor na si Nestor Cobarubias.

Nabatid na nangyari ang pagdukot sa Sitio Luukluuk, Barangay  Paranga, Panglima Sugala, Tawi Tawi.

Lumalabas na armado ng armalite at kalibre 45 ang limang salarin na gumamit ng puppet type na bangka.

Ang nasabing mga biktima ay bird watchers, dalawang linggo nang namamalagi sa nasabing lugar.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply