3 isinarang account ni Corona, inilipat lang sa checking account – Garcia

MAKARAANG mapabalita noon na agad isinara ni CJ Renato Corona ang kanyang tatlong bank account sa PS Bank sa araw mismo nang aprubahan ng Kongreso ang kasong impeachment sa kanya ay lumutang na ngayon kung saan napunta ang pera ng punong mahistrado.

Ani PSBank president Pascual Garcia, matapos isara ang tatlong account ni Corona noong Disyembre 12, 2011 ay inilipat naman ang laman ng mga ito sa tatlong checking accounts.

Ang unang checking account ay naglalaman ng P7,397,566.36; ang ikalawa ay may P12,989,951.36, habang ang ikatlo ay may P17,270,674.90.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply