UPDATE: 45 na patay sa 6.9 lindol

UMAKYAT na sa 45 katao ang namatay sa magnitude 6.9 lindol sa Visayas region, partikular sa Negros Oriental kaninang umaga.

Ito ay makaraang kumpirmahin na may 29 pang namatay sa naganap na landslide sa Moog, Brgy. Planas at 10 iba pa sa ibang parte sa Guihulngan.

Dalawa naman ang naitalang casualty sa Tayasan, 1 sa Bindoy at 1 sa Jimalalud.

Wasak din ang mga tulay sa Negros Oriental, partikular ang Matilo bridge, Lalibertad, Ayungon bridge at ang Dayoyo bridge dahilan para isara sa mga malalaking trak.

Nauna nang nakumpirma ang pagkamatay ng dalawang bata na nadaganan ng gumuhong mga pader sa kani-kanilang paaralan.

Bagamat inalis na ang tsunami alert, pinanatili naman ng awtoridad sa mga ligtas na lugar ang mga residente.

Nasukat ang huling lindol na magnitude 5.6, na ang epicenter ay nasa 71 km south-southeast ng Bacolod, 84 km west-southwest ng Cebu, 84 km north ng Dumaguete, 556 km south-southeast ng Manila,

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply