UPDATE: 8 na patay sa LPA sa Bicol, VisMin

WALO na ang kumpirmadong binawian nang buhay sa walang humpay na pag-ulan dala ng low pressure area (LPA) sa Visayas at Mindanao.

Sa pahayag ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Undersecretary Benito Ramos, pangwalo sa talaan ng namatay sa kalamidad si Cading Caballero,  una nang nawala matapos tumagilid ang kanyang bangka sa Barangay V, Mercedes, Camarines Norte.

Kasama rin sa talaan ng NDRRMC ang dalawang treasure hunter na nalibing nang buhay sa naganap na landslide sa Tagudin, Ilocos Sur.

Kanina ay sinabi ng PAGASA na magiging maganda na ang lagay ng panahon sa nasabing mga lalawigan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply