UPDATE: Aftershocks umaabot na sa 1000

KINUMPIRMA ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na umaabot na sa 1000 ang kanilang naitatalang aftershocks simula kaninang tanghali, kasunod ng 6.9 magnitude na lindol sa Tayasan, Negros Oriental kahapon.

Naramdaman ang 59 pagyanig habang ang pinakahuling aftershock ay naitala kaninang alas 12:47 ng tanghali na may lakas na intensity 3 sa Guihulngan City.

Nakaramdam din ng intensity 2 na aftershock ang Iloilo City at Tanjay City sa Negros Oriental kaninang alas 12:05, habang intensity 1 naman sa Kanlaon City.

Inaasahan namang hihina na ang mga aftershock sa susunod na araw.

Kinumpirma rin ni Phivolcs Deputy Director Dr. Bartolome Bautista na wala nang banta ng tsunami kaya ligtas nang bumaba ang mga residenteng nag-akyatan sa mga bundok.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply