UPDATE: Anak ni Pangandaman ligtas na sa suicide

NAGPAPASALAMAT si Transportation and Communication (DOTC) Caraga Regional Director Alim Pangandaman na ligtas na ang kanyang anak makaraang magtangkang magpatiwakal matapos nang ma-rescue ng search and rescue team.

Ayon kay Pangandaman, nasagip ng Butuan Search ang Rescue Team, Sabado ng 5:30 ng umaga ang kanyang anak matapos tumalon sa Diosdado Macapagal Bridge sa Butuan City.

Break-up sa relasyon ang dahilan kung bakit nagtangkang magpakamatay ang anak na si Ajay Pangandaman, 25 anyos

Inamin ni Ajay na pareho silang lasing ng kanyang girlfriend na si Mary Grace Mercado, 20 nang gawin ang tangkang pagpapakamatay.

Inamin naman ni Mary Grace na hiniwalayan niya si Ajay sa personal na dahilan.

Sinasabing tatlong beses na nagtangkang tumalon sa pinakamahaba na tulay sa Mindanao si Ajay.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply