Laban ng Azkals, Tigers nauwi sa tabla

TABLA ang laban ng Philippine Azkals at Malaysian Tigers, 1-1, sa Rizal Memorial Stadium ngayong gabi.

Nakauna agad ang Azkals sa kaagahan ng laro pero nagawang humabol ng Tigers matapos ang 91 minuto ng laro.

Ang header ni Dennis Wolf mula sa long throw ni Jason Sabio ang nagbigay ng unang puntos sa Azkals para makaabante sa Tigers.

Ang Malaysia ay ang reigning Suzuki Cup champion at pinakamalakas na football team sa Southeast Asia.

Ang laban ng dalawang grupo ay paghahanda ng Azkals para sa Challenge Cup sa Nepal na gagawin na sa susunod na linggo.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply