Update: Konsehal, driver, tinambangan sa Batangas, ligtas

NAGTAMO ng maraming sugat sa iba’t ibang part eng katawan ang isang konsehal at driver nito makaraang tambangan ng hindi pa nakikilalang mga suspek sa Sto. Tomas, Batangas, Linggo ng umaga, Pebrero 19.

Nabatid na tinangkang paslangin si Sto. Tomas Councilor Alexander Guevarra, 47, at driver nito na si Edgar Ariola, 48, na nagtamo ng sugat sa hita.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, sakay si Guevarra ng kanyang Toyota Fortuner nang tambangan sa may Barangay San Francisco ng tatlong suspek na sakay ng motorsiklo.

Nagawa naman ni Ariola na magmaneho patungo sa St. Francis Cabrini Hospital kung saan sila ginagamot ngayon.

Blangko pa rin ang pulisya sa motibo ng pamamaslang kung saan nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply