UPDATE: Nautas na holdaper, sekyu sa Alabang shootout kilala na

KINILALA na ng awtoridad ang holdaper at security guard na napatay sa naganap na shootout kaninang tangahali sa Alaya townhomes, Alabang, Muntinlupa city.

Kinilala ng awtoridad ang napatay na suspek sa pangalang Pio Quinto.

Narekober ng pulisya ang ginamit na 45 pistol na baril ng suspek sa lugar na pinangyarihan.

Habang nakilala rin ang napatay na security guard na si Elmer Tagoc, na tinamaan ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sugatan naman ang kasamahang security gurad ni Tagoc na si Elmo Toreda na nilalapatan ng lunas sa Alabang Medical Center.

Batay sa report, walang natangay na salapi ang suspek sa armored van dahil naihatid na ang pera sa isang mall ng mga security guard bago nangyari ang enkuwentro.

Nabatid pa sa ulat na tatlo pa sa mga suspek ang nakatakas gamit ang tatlong motorsiklo na nagsipulasan sa magkakaibang direksyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply