Update: W. Visayas nilindol ng magnitude 6.9: 4 aftershocks naitala, tsunami alert itinaas

NIYANIG ng lindol ang Negros area sa Visayas region na may magnitude-6.9 tanghali ng Lunes, Pebrero 6.

Ayon kay Philippine Institute of Volcanology and Seismology head Renato Solidum Jr. sa panayam sa dzBB, may kalakasan ang lindol na naitala bandang alas-11:49 ng tanghali na tiyak na naramdaman sa ilang parte ng Northern Mindanao

“Yung damage possible (sa may Intensity V) kung mahina ang gusali,” pahayag ni Solidum.

Naitala ang Intensity V (strong) sa Iloilo, Negros habang Intensity IV naman sa Cebu at Kalibo at naramdaman din ang pagyanig sa Bohol, at ilang parte ng Mindanao.

Ayon sa United States Geological Survey natagpuan ang epicenter nito sa 71 km south-southeast ng Bacolod, 79 km north ng Dumaguete, 88 km west-southwest ng Cebu, 564 km south-southeast ng Manila.

Dahil dito, agad ding nagpalabas ng tsunami alert no. 2 ang Phivolcs sa Negros at Cebu islands kung saan inalerto at pinag-iingat ang mga residente sa mga coastal areas.

Nakapagtala na rin ng apat na malalakas na aftershock ang Phivolcs.

Nabatid naman sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na may isang batang nasawi sa Negros Oriental matapos madaganan ng bumagsak na pader.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply