Update: Paghihiganti, motibo sa pagmasaker sa 4 sa Quezon

SOBRANG paghihiganti ang sinisillip na motibo ng awtoridad kaya minasaker ng mga suspek ang apat na miyembro ng pamilya kabilang ang dalawang paslit sa Lopez, Quezon kahapon (Huwebes, Pebrero 23) ng umaga.

“Ang haka-haka natin ay may matinding galit ang gumawa ng krimen at nais iparamdam ng mga salarin sa pamilya ng kanilang pinatay ang sakit kasi pati ang dalawang bata ay isinama sa pananaga ng bolo,” pahayag kaninang umaga (Pebrero 24) ni Quezon police chief Senior Supt. Erickson Velasquez.

Kasabay nito, ikinasa na ang pagtugis ng buong puwersa ng kapulisan sa itinuturong suspek na isang nagngangalang Oding na sinasabing nagbanta sa buhay ni Ricardo, anak ni Teresita noong nakaraang Disyembre sanhi ng hindi pagkakaunawaan sa isang business deal.

Simula noon, sinabi ni Velasquez na nagpapadala rin ng death threats ang suspek na si Oding kay Ricardo at sa mga business partners nito kahit ito ay nasa Maynila.

Kahapon lamang, dakong alas-8:45 ng umaga, natagpuan ang pinagtatagang bangkay ng magkapatid na sina Teresita, 56-anyos at Victoria Osana, 40-anyos at Kim Zyrene Esguerra, pipi at bingi na ampon ng magkapatid at ang apo ni Teresita na si Saint Jeric, 6-anyos sa kanilang bahay sa Barangay Banabahin Ilaya, Lopez, Quezon.

Walang makuhang testigo ang pulisya dahil walang ginamit na sasakyan o posibleng naglakad lamang ang mga suspek kaya walang nakapansing mga kapitbahay na may komosyon nagaganap sa bahay ng mga biktima.

Nang maganap ang insidente, sinabi ni Paraiso na nasa Maynila ang mga magulang ng mga paslit.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply