Update: Paslit dedo sa magnitude 6.8 na lindol sa Negros

TODAS ang isang paslit matapos na yanigin ng magnitude 6.8 na lindol ang Negros (Central Philippines), ayon sa ulat kaninang umaga ng awtoridad.

Sinabi ni Office of Civil Defense chief Benito Ramos, na isang hindi pa nakikilalang bata na nasa edad 3-anyos hanggang 5-anyos, at tubong Negros ang nadaganan ng buong pader matapos na bumigay dahil sa matinding pag-uga ng lupa.

“One child was crushed to death by a collapsed wall in Negros,” pahayag ni Ramos sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ang naturang lindol ay tumama sa 70 kilometro o 44 miles silangan ng ng Dumaguete City sa Negros Island dakong alas-11:49 ng umaga at ito ay may lalim na 46 kilometro, ayon sa pahayag ng US Geological Survey.

Ayon naman sa Philippine Institute for Volcanology and Seismology (Phivolcs) nasukat nila ang lindol na magnitude 6.9 na ang shallow depth ay 10 kilometro, na nasa sentro ng “heavily populated central island province” ng Negros at Cebu.

Ani Ramos, tila sumasayaw ang mga gusali sa Cebu City at San Carlos at ang mga bintana rito ay nabasag at ang mga pader ay nagkaroon ng bitak, pero sa kabutihang palad ay pinaniniwalaang walang nagkaroon ng major damage ang mga gusali rito.

Ayon naman sa Hawaii-based Pacific Tsunami Warning Center na wala namang silang nakikitang malawakang destraksyon mula sa paggragasa ng tsunami.

Nauna nang itinaas ng Phivolcs ang tsunami warning level 2 ng isang three-stop alert level para sa mga coastal areas sa Negros, na ang ibig nito sabihin ay pinalalayo mula sa tabing dagat ang mga residente at maging mapagmasid sa anomang senyales ng pagtaas ng tubig sa karagatan.

Gayunman, sinabi ni Ramos na hindi dahil level two lamang ang ikinasa ay hindi na magkakaroon ng paglilikas.

Sinabi ni Ramos na ang tsansa ng isang tsunami o tidal wave ay napakaliit sapagkat ang lokasyon ng epicenter ng lindol ay nasa narrow straight na nasa pagitan ng dalawang isla.

Ang Pilipinas at nakahimlay a Pacific “Ring of Fire” — na parang isang sinturon na nakapaligid sa Pacific Ocean na ang friction sa pagitan ng shifting tectonic plates kaya ang madalas ang lindol at maging ang aktibidades ng mga bulkan sa bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply