UPDATE: Retrieval operation sa Guihulngan landslide kinakamay na

KINAKAMAY na ng rescuers ang paghahanap sa mahigit 29 biktima ng landslide sa Guihulngan, Negros Oriental makaraang matabunan kasunod ng 6.9-magnitude na lindol kahapon.

Naging mano-mano na ang retrieval operation dahil na rin sa hindi na magagamit ang tulong ng iba’t ibang government agencies at private sector dahil hindi na madaanan ang mga lugar na sinira ng lindol.

Sa lugar ng kalamidad, makikitang nagtutulungan na lamang ang mga residente rito sa mano-manong paghuhukay para marekober ang mga biktima ng landslide.

Tinatayang nasa mahigit 100,000 ang populasyon ng nasabing lugar.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply