UPDATE: Tour guide na nakatakas, hawak na ng Tawi-Tawi police

NASA kustodiya na ng Tawi-Tawi police ang Pinoy tour guide na kasamang dinukot ng dalawang European Wildlife Photographer sa Tawi, Tawi kahapon.

Nakarating sa pulisya ang biktima na si Ivan Sadenas makaraang makatakas sa kamay ng mga kidnapper.

Nasa Tawi-Tawi na rin si ARMM OIC Mujiv Hataman para personal na malaman ang ginagawang operasyon ng pulisya at militar para mabawi ang Dutch na si Elwold Horn at Lorenzo Vinzi Gueerre, isang Swiss.

Ayon kay Tawi-Tawi Police Provincial Director Police Rodelio Jocson, bagamat may impormasyon na patungo sa isla ng Sulu ang speed boat na ginamit ng mga armadong lalake sa pagtangay sa mga dayuhan, wala pa ring linaw kung nakarating na o doon talaga dinala ang mga biktima.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply