US-Phl defense deal, niluluto pa lang – Gazmin

WALA pang pinal na napagkakasunduan ang Pilipinas at US government hinggil sa nilulutong US-Phl Defense Deal kasunod ng isinagawang PH-U.S. Bilateral Strategic Dialogue na pinasimulan sa Washington D.C. noong Enero 26-27, ngayong taon.

Ayon kay Defense Sec. Voltaire Gazmin, patuloy pa ang negosasyon upang matiyak na pantay ang pakinabang ng dalawang bansa.

Nilinaw pa ng kalihim na bukod sa pagpapalakas sa military capability, layon din ng usapan na paigtingin ang kooperasyon ng dalawang bansa sa panahon na may kalamidad.

Tahasan namang pinabulaanan ang haka-hakang balak ng US na ibalik ang base militar sa bansa.

Kasalukuyang tinutuligsa ng mga militanteng hanay ang panibagong ugnayang nagaganap sa pagitan ng Pilipinas at America dahil layon lamang umano nito ay palalawakin ang defense cooperation ng Pilipinas at Estados Unidos.

Katunayan, lumabas ngayon sa balita na ang nais lamang ng Amerika ay magkaroon ng mas malawak na access sa seaports at airfileds ng Pilipinas para makapag-refuel ng fighter planes at war ships.

Dumating kamakailan sa bansa si U.S. Assistant State Sec. Andrew Shapiro para makipag-usap sa foreign at defense officials ng Pilipinas.

Mananatili sa bansa si Shapiro hanggang bukas, Sabado, bilang bahagi ng pagpapatuloy ng defense dialogue.

Kasabay nito, kinumpirma ni Gazmin na ilan sa nakalatag sa negotiating table ang F-16 fighter planes na ibebenta ng U.S. sa Pilipinas at posibleng matalakay sa pagbisita ni Pangulong Aquino sa Washington D.C. ngayong Abril.

Samantala, ilan pa sa aasahang idadagdag sa military equipment ngayong taon ang tatlong C-130 kung saan dalawa rito ang dating pag-aari ng AFP na pinaayos habang isa ang galing sa U.S.

Parating na rin ngayong taon ang isa pang Hamilton Class Cutter, katulad ng naunang barko na pinangalanang BRP Gregorio del Pilar.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply