US, UK travel warnings hindi dapat ikabahala

WALANG dapat ikabahala sa bagong inilabas na travel warning ng United Kingdom at Estados Unidos laban sa Pilipinas.

Nauna nang nagbabala sa kanilang mga residente ang Australia at US sa pagbabawal sa mga ito na bumiyahe sa Pilipinas, partikular sa Mindanao.

Naglabas ng travel warning ang UK dahil na rin sa naganap na pagdukot sa kanilang dalawang European nationals sa Tawi-Tawi City.

Ani Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, ang nasabing mga babala ay normal lamang para ipaalala ng nasabing mga bansa sa kanilang mamamayan ang kanilang kaligtasan.

“The UK travel advisory is meant as an advice to its own citizens here. The UK is our main source of tourists from Europe, and we continue to have a positive outloook on the tourism flow from here,” ani Valte.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply