UST, DLSU target ang UAAP women’s tennis title

Mga laro bukas:

(Rizal Memorial Tennis Center)
9:00 a.m. – UST vs. DLSU (women’s finals)

TATAPUSIN bukas (Pebrero 26) ang hidwaan ng University of Santo Tomas at top seed De La Salle University sa women’s finals ng UAAP tennis tournament na gaganapin sa Rizal Memorial Tennis Center.

Nakapuwersa ng rubber match ang Tigresses matapos manaig noong Biyernes (Pebrero 24) sa La Salle, (3-2) na hawak ang twice-to-beat incentive.

Sinagpang ni Tigress Zaza Paulino sa third singles si Enah Baba, 6-2, 6-1 ng La Salle para makumpleto ang kanilang come-from-behind victory.

Biglang ginanahan ang UST ng manaig sina Macy Gonzales at April Santos sa second doubles laban kina Trudy Amoranto at Kirstie Barraquias, 7-6 (7), 3-6, 6-2, para makakuha ng deciding game.

Nakuha ng Lady Archers ang twice-to-beat advantage matapos walisin ang anim na laro sa eliminations.

Samantala, pakay ng Ateneo na kalawitin ang unang UAAP baseball crown kontra National U na gaganapin din bukas ng alas-9:00 ng umaga sa Rizal Memorial Stadium.

Kasabay din ngayong Linggo ang football championship matches ng UST at DLSU sa women’s division (9:00 a.m.) at UST vs. UP sa men’s division (2:00 p.m.) na lalaruin sa Ateneo field. Elech Dawa

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply