Valles bagong arsobispo ng Davao City

SI Zamboanga Archbishop Romulo Valles na ang magiging bagong arsobispo ng Archdiocese of Davao.

Itinalaga ni Pope Benedict XVI si Valles bilang kapalit ng nagbitiw na si Archbishop Fernando Capalla, 77.

Ang pagkakatalaga kay Valles, 60, sa puwesto ay inianunsiyo ng Vatican dakong 7:00 ng gabi sa Roma kasunod nang pormal na pagtanggap ng Santo Papa sa resignasyon ni Capalla.

Ang appointment ay inianunsiyo naman ni mismong Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Giuseppe Pinto dakong 12:00 ng tanghali ng Sabado sa Pilipinas.

Si Valles ay may limang buwan nang nagsisilbi sa Zamboanga archdiocese na nakakasakop sa Prelatura ng Ipil at Isabela, Basilan at Apostolic Vicariate ng Jolo bilang suffragan dioceses.

Ipinanganak siya noong Hulyo 10, 1951 sa bayan ng Maribojoc sa Bohol at naordinahan bilang pari noong Abril 6, 1976.

Naitalaga siyang Obispo ng Kidapawan noong Hunyo 24, 1997 ni Blessed Pope John Paul II.

Samantala, si Capalla naman ay dating pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) at kilala sa kaniyang adbokasiya na nagsusulong ng hustisya at kapayapaan sa Mindanao.

Wala pa namang petsa kung kailan isasagawa ang canonical installation ni Valles bilang bagong arsobispo ng Davao.

Hanggang hindi pa pormal na nai-install sa puwesto, pansamantalang magiging administrator ng Davao archdiocese si Capalla.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply