Veranda

ANG bahay ni Loren ay may veranda sa second floor.

Doon hinihintay ng kaniyang Ina ang pagdating niya galing school.

Tuwing darating si Loren ay masayang kakaway ang Ina at sisigaw, “ Loren, anak I love you! Kanina pa kita hinihintay.”

“Opo, mommy. Wait mo po ako, akyat po ako.”

Pagkatapos ay sa veranda sila magmemerienda at magkukwentuhan.

Pag oras naman na dumating ang daddy ni Loren ay dalawa sila na maghihintay sa veranda at pag natanaw na nila ang kotse ni daddy ay masayang kakawayan na nila ito.

Sa paglipas ng panahon ay ganito kasaya ang tagpuan ng mag-anak sa veranda ng kanilang bahay.

Nagdalaga na si Loren at nagtrabaho sa ibang bansa.

Dama niya ang pangungulila ng bawat isa sa pamilya.

Isang araw ay tumawag ng long distance ang daddy niya at pinauuwi na siya kaagad sa Pilipinas.

Malungkot na balita dahil inatake ang mommy niya at binawian na ito ng buhay.

Kaagad siyang umuwi at iyak ng iyak si Loren dahil hindi man lang niya nakita ang mommy niya bago namatay.

At dahil matanda na rin ang daddy niya ay nanatili na si Loren sa bahay para alagaan siya.

Minsan nagpunta siya sa veranda at tinanaw niya ang paligid. Malaki na ang naging asenso ng bayan nila.

Matatanaw kasi sa veranda ang main road.

Bumalik sa alaala niya ang masasayang araw nilang mag-anak sa veranda at naisip niya ang kanyang mommy.

Ilan taon din siyang nasa abroad habang andito ang mommy na nakatanaw sa veranda at umaasa sa pagbabalik niya.

Alam niya na hindi nainip ang mommy niya at marahil ngayon ay nasa veranda siya ng kabilang buhay at nakatanaw sa mundo at hinihintay ang muli nilang pagkikita.

Saan ang veranda ng buhay niyo?

Kung saan tinatanaw natin ang pag–asa at hinihintay ang pagbabalik ng mahal natin sa buhay.

O kung ikaw naman ang hinihintay, panahon na siguro na bumalik ka muna at tagpuin ang mahal mo sa veranda.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply