‘Very good’ ni PNoy sampal sa mga kritiko

ISANG malaking sampal sa mga kritiko ni Pangulong Benigno Aquino III ang lumabas na “very good” ratings ng Social Weather Stations (SWS) survey.

Para kay Presidential spokesperson Edwin Lacierda, ang nasabing survey ay panampal sa mga taong kumokontra na ang Aquino administration ay nakatuon lamang sa impeachment trial ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona at hindi na inaasikaso ang bansa.

“This recent measurement of public opinion indicates that the public not only sees, but has tangibly felt, the government’s efforts to improve services, push for inclusive growth and upgrade response to disasters,” ayon kay Sec. Lacierda.

Batay sa survey ng SWS na may petsang Disyembre 3-7, 2011, 67 porsiyento ng respondents ay nananatiling nasisiyahan sa Aquino administration.

Habang 21 porsiyento naman ng respondents ang nagdududa sa performance ng pamahalaan at 11 porsiyento naman ang dissatisfied, para sa net rating na +56 (satisfied minus dissatisfied), ang nakasaad sa report ng SWS.

Ang  huling net rating ay kahalintulad lamang ng satisfaction rating ng pamahalaan tatlong buwan na ang nakakaraan.

Tiniyak pa rin ng opisyal na kasalukuyang tinutugunan ng pamahalaan ang iba pang problema ng bansa subalit nangangailangan aniya ng sapat na panahon para maramdaman ng taumbayan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply