Vice Ganda & company kinabog… Jose, Wally ang lakas ng dating!

GRABE, my BFFT Pete A.! Walang halong exaggeration, sa lakas ng benta ng tickets para sa March 2 concert sa
Smart Araneta Coliseum ng wacky Dabarkads duo na sina Jose Manalo at Wally Bayola na may titulong Jose and Wally A Party for Every Juan na produced ng APT Entertainment ni Sir Tony Tuviera, pwede nang i-level ang mga sikat na komedyanong hosts sa The Beatles.

Why oh why? Well huwag kayong magtataas nang kilay dahil as of now confirmed na sold-out na ang tickets sa nasabing concert. At ito ang tanging kaisa-isang show na hindi namigay ng complimentary tickets. Kahit ang mga malalapit na atista, director at mga kilalang personalidad kina Sir Tony at Ma’am Malou Choa-Fagar ay di nakalibre sa concert na ito at sa kagustuhan nilang mapanood ang much awaited na palabas ay bumili talaga sila ng tickets sa mga outlets nito.

Even our co-entertainment press at mga tabloid and broadsheet editors, wala ring complimentary tickets na ibinigay ang APT. Siguro ito ang way ng mga producer para malaman talaga nila kung gaano kasikat at kalakas na ang hatak nina Jose at Wally sa tao. Malaki ang kanilang pasasalamat dahil hindi sila nagkamali sa kanilang ini-expect. So there, kabog na kabog ang mga concert nina Vice Ganda, Anne Curtis at iba pang concert artists na maraming libreng tickets na ipinamigay para mapuno lang ang Big Dome. Sina Wal ly at Jose, without that ay mapupuno nila from VIP, lower, upper box hanggang general admission.

Cheers gyud sa inyo Dabarkads Wally and Jose.

***

Kapuso young actress wala pang sariling bahay dahil binabarat ang TF

DATI dahil sa kawalan ng raket sa kanyang mother network na Kapuso, natsitsismis na suma-sideline sa pagpapa-booking sa mga rich guys si young actress na winner ng isang sikat na Reality Artista Search. At ngayong nabigyan nga ito ng project pero hindi naman bongga dahil di siya kasama sa lead cast, okey na rin sa actress kaysa naman wala siyang work.

Ang masaklap binabarat yata ng istasyon ang talent fee ni young-star. Imagine! Ang tagal-tagal na nila itong talent pero hanggang ngayon ay nagrerenta pa rin ito ng condo at walang sariling bahay. Kalukring! Naman talaga. Pinagtatrabaho na ninyo na parang kalabaw ang mga artista n’yo, hindi man lang n’yo binibigyan ng bong-gang suweldo. That’s very unfair at kailanman ay hindi ‘yan ginawa ng Kapamilya network sa kanilang mga stars. Be human naman gyud!

***

‘Budoy’ malapit nang mag-goodbye

HULING dalawang linggo na ng top-rating Primetime Bida teleserye ng ABS-CBN na Budoy na pinagbibidahan ng drama prince na si Gerald Anderson. Mula nang umere ito noong Oktubre 2011, sinubaybayan ng mga manonood ang karakter ni Gerald na gabi-gabing nagpapangiti, nagpapaluha at nagbibigay inspirasyon sa buong pamilya.

Ngayong linggo, tunghayan ang mga makapigil-hiningang eksena sa pagtakas nina Grace (Mylene Dizon), BJ (Enrique Gil) at Jackie (Jessy Mendiola). Ano ang gagawin ni Budoy para mabawi ang pinakamamahal niyang si Jackie at kapatid na si BJ? Magtagumpay kaya si Grace na makaalis ng bansa? Paano haharapin ni Budoy ang mga problemang pinagdadaanan sa kabila ng kanyang sakit? Huwag nang bibitiw sa huling dalawang linggo ng Budoy pagkatapos ng Walang Hanggan sa ABS-CBN.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply