Vicki Belo at Hayden Kho break na

BREAK na sina Dr. Vicki Belo at fiance na si Hayden Kho Jr.

Mismong ang celebrity doctor ang nagsabi nito kasunod ng pagbubunyag sa pangangaliwa ni Kho.

Ayon kay Belo, palagi silang nagtatalo dahil kay Nancy Castiliogne kaya pinapalaya na niya si Hayden.

Wala aniyang dapat sisihin kung nauwi sila sa ganito dahil may mga pagsasama talagang hindi maganda ang kinahahantungan.

Kasabay nito ay umapela si Belo na tantanan na ang pagbatikos kay Kho dahil wala raw dapat sisihin.

Kinumpirma rin ng celebrity doctor na mag-isa siyang lilipad patungong US bukas.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply