VisMin ‘wag maging kampante sa LPA – PAGASA

PINAYUHAN ng PAGASA ang mga residente sa Visyas at Mindanao na hindi dapat maging kampante

Sinabi ng PAGASA na bagamat malabong maging bagyo ang namataang low pressure area (LPA) sa silangang bahagi ng Minadanao ay patuloy pa rin itong magdadala ng mga pag-ulan.

Ayon sa PAGASA hindi lang ang hilaga at silangang Mindanao ang makararanas ng mga pag-ulan kung di pati na rin ang silangan at gitnang Kabisayaan.

Ayon pa rito, posibleng magdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa ang naturang pag-ulan sa mga nasabing lugar

Asahan din umano ang moderate to heavy rainfall na maaaring maghatid ng pagbaha at pagguho ng lupa.

Gayunman, hindi na umano ito lalakas para maging mas aktibong weather system.

Samantala, ang malaking bahagi naman ng ating bansa ay magkakaroon ng makulimlim na panahon hanggang bukas dahil sa malawak na kaulapan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply