Voters’ educ ipinasasama sa high school curriculum

MAGIGING isang regular na subject na ang “voters’ education” sa pampubliko at pribadong paaralan sa sekondarya sa oras maisabatas ang panukalang ito.

Sa isinumiting panukala ni Rep. Edwin Olivarez (1st District, Parañaque City) ang House Bill 5784, nais niyang maging mandato ng Department of Education (DepEd) na isama sa high school curriculum ang voters’ education upang maunawaan ng bawat mag-aaral ang kanilang karapatan at responsibilidad kapag panahon ng halalan.

Ayon kay Olivares, layunin ng panukala na mas kikilalanin bilang “Voters’ Education Act of 2012,” na patatagin, palakasin at buhayin ang patriyotismo at nasyunalismo sa bawat kabataang Filipino at isa sa mabisang paraan upang gawin ito ay ang maituro sa kanila ang kanilang responsibilidad bilang mga kasapi ng pamayanan.

Sa ilalim ng panukala, ang voters’ education ay ituturo ng isang gurong may sapat na kaalaman sa formal at non-formal educational system sa ika-apat na antas ng high school sa pamamagitan ng lectures, demonstrations at iba pang paraan ng pagtuturo.

Ang voters’ education course ay ituturo sa pampubliko at pribadong paaralan, maging sa mga out of school youth, at sa mga nag-aaral sa mga tinatawag na Alternative Learning System (ALS).

Isasama rin ang voters’ education subject sa lahat ng mga aralin na may relasyon o may kinalaman sa, values formation, ang kahalagahan ng karapatan ng pagboto at ang kasagraduhan ng balota, paraan ng pagpili ng mga ibobotong kandidato, at ang proseso ng halalan sa Pilipinas, kasama na ang proseso ng pagpaparehistro, mga ipinagbabawal sa panahon ng halalan, proseso ng aktuwal na pagboto mula sa pagsusulat sa balota hanggang sa paglalagay ng balota sa ballot box at ang proseso ng automated elections.

Kasama sa bubuo ng curriculum ng voters’ education ang DepEd, Technical Education and Skills Development Authority (Tesda) at ang Commission on Elections (Comelec).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply