Waepek si PNoy sa ibaba

MAY sariling mundo ang mga nasa ibaba ng pamahalaan at iba ito sa mundo ni PNoy.

Ito ang mga kalawang na hindi kayang tiktikin ng islogan ni PNoy na kung walang korap ay walang mahirap.

Gusto ninyo ang pruweba?

oOo

Sa mga munisipyo sa labas ng Metro Manila nagaganap ang mga kinakalawang na tauhan ng pamahalaan.

Sa lansangan nagaganap ito, Suki, at sa hanay ng mga trapik enporser.

Wala tayong gaanong nababalitaan mula sa mga tauhan ng Land Transportation Office.

Ang nababalitaan natin na madalas kung nagpapara ang mga ito ng mga sasakyan ay itinuturo nila ang mga depekto sa mga sasakyan at papeles ng mga ito.

Hindi agad naniniket ang mga ito at binibigyan nila ng tsansa ang mga tsuper o opereytor na ituwid ang mga ito.

May mga barumbado rin sa mga ito para lang magkapera ngunit bibihira lang ang mga ito.

oOo

Balik tayo sa mga trapik enporser.

Parang sabik sa kapangyarihan ang marami sa mga ito.

Pero higit dito, yang pagkaperahan ang mga motorista ang tila namber wan sa kanilang utak.

Basta may nakita ang mga ito na depekto, kahit sa pagmamaneho, naniniket agad ang mga ito.

Pero mababait sa mga lihim na nag-aabot sa kanila ng kahit maliliit na halaga kahit trapik bayoleytor pa ang mga ito.

Sinubukan natin ang magtanong-tanong.

Yun pala, may kota ang mga lintek na bosing ng mga enporser na ‘to.

Kailangang manghuli nang manghuli sila para sa huling araw, may paghahati-hatian sila ng kanilang mga amo sa porsiyento sa mga multa.

Kesehodang maghirap ang mga motorista.

Matiyempuhan sana kayo ng mga riding in tandem.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply