Wala nang quorum sa Kamara – Minorya

IBINUNYAG ng minorya sa Kamara na wala nang quorum sa Mababang Kapulungan ng Kongreso simula noong January 16 nang simulan ng impeachment trial sa Senado laban kay Chief Justice Renato Corona.

Ayon kay House Minority leader at Quezon Rep. Danilo Suarez, maraming panukalang batas ang nabibimbin dahil sa kawalan ng quorum sa plenaryo.

Ito ay sa kadahilanang nakasuspende lamang ang sesyon na hindi na nangangailangan ng roll call.

Simula ng impeachment trial ay laging session suspended ang sinasabi ng mga liderato ng Kamara na siyang dahilan upang wala na halos pumupunta sa session hall.

Gayunman, ayon kay Suarez , hindi ito taliwas sa House Rules na pagpapataw ng suspensyon sa sesyon subalit kinakailangan itong muling pag-aralan para hindi maabuso.

Isang maaaring rason ayon kay Suarez kung bakit hindi na dumadalo ang mga kongresista sa sesyon ay sa dahilang maraming miyembro ng Kamara ang re-electionist kaya nag-uumpisa nang mangampanya.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply