Walang dasal sa nilindol; it’s not funny in da Pilipins

PINAKIKINGGAN natin ang dasal ng mga nasa Senado bago sila umupo para usigin si Chief Justice Renato Corona.

Wala tayong narinig na dasal para sa mga biktima ng lindol.

Ano ang dahilan at tila hindi kasali sa usapang impitsmen ang mga biktima ng lindol?

Hindi ba may galing sa mga nilindol na pondong ginagastos para sa impitsmen?

Tiyak na may kontribusyong expanded value added tax, real property tax, income tax, road users tax at iba pang tax ang mga nilindol.

Bakit wala ni isang salita ang naialay sa kanila kahit sa panalangin ng mga onorabol bago ang pag-uusig?

Nakaiiyak talaga ang nagaganap sa Senado na pinamumugaran ngayon ng mga nag-aagawan sa kapangyarihan.

Klarong mas mahalaga sa mga ito yang agawan ng kapangyarihan kaysa serbisyo publiko.

oOo

May nagsasabing may nagdadala namang mga taga-Kamara at taga-Senado ng kanilang maitutulong sa mga biktima. Okey yan.

Pero bakit wala tayong nakikita na lumipad man lang kahit sa pamamagitan ng helikopter para sumama sa mga inspeksyon kung ano ang nagaganap sa mga nilindol na lugar?

Ni hindi nagsuspinde kahit isang araw ang mga kongresman at senador sa kanilang trial kay Corona.

Kung tutuusin, Suki, mabilis na lumilipas ang mga araw at buwan.

Daratnan ang mga biktima tiyak ng tag-ulan.

O bagyo kaya na walang oras kung dumating.

Ano-ano na ang iniisip na gawin ng mga sumasali sa impitsmen kay Corona?

Sabi nila, da sho mas go on. Tell that to the marines!

Saan ka nakakita ng gobyerno na hindi man lang magpahinga sa madugong pulitika para asikasuhin ang mamamayan?

Onli in da Pilipins yan!

It’s not funny.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply