Walang Hanggan, My Beloved at Nandito Ako umpisa na ng labanan

IPINARATING sa Remate.Ph na naglabanan kagabi (Pebrero 20) ang tatlong higanteng network sa prime time slot, partikular na tinutukoy natin ay ang magkakatapat na progrma ng ABS-CBN 2, TV5 at GMA-7.

Mula nang umire ang “Walang Hanggan” (ABS) nila Coco Martin, Julia Montes, Dawn Zulueta at Richard Gomez ay bongga ang viewrship nito.

Lumalaban din ang “My Beloved” (GMA-7) nina Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Kagabi, hindi nagpahuli ang “Nandito Ako” (TV5) ng sikat na pop singer at American Idol finalist na si David Archuleta, kasama sina Jasmin Curtis at Eula Caballero bilang leading lady ng una.

Bongga dahil, ayon sa nagtsika-galore sa amin (na mahilig sa Facebook at Twitter) pinag-usapan ang Nandito Ako sa Twitter at FB ng ilang bansa gaya dito sa Pilipinas China at siyempre sa US of A kung saan nanggaling ang guwaping na singer.

Iba talaga ang hatak ng American Idol finalist na ito. Tinutukan ang programa niya, na ayon sa ating nakalap na balita ay kauna-unahang programa na siya ang bida.

O di ba bongga? Mukhang tama ang move na ito ng TV5. Mukhang may laban ngayon ang Singko sa Dos at Siyete.

Pero teka lang, simula pa lang ng totoong laban!

Abangan!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply