Walang selos-selos!: Cristine papayagang mag-guest si Rayver sa show ni Sarah

HINDI maitatangging nagkaroon ng gap noon sina Cristine Reyes at Sarah Geronimo dahil kay Rayver Cruz.

May nakaraan kasi sina Sarah at Rayver na boyfriend naman ngayon ni Cristine. Pero natapos din ang issue dahil pareho ng magaganda ang sinasabi nina Cristine at Sarah sa isa’t isa. Si Rayver, wala rin namang sinasabing negatibo sa ex na Pop Star Princess. Kaya nang tanungin ang young sexy actress (Cristine) kung payag ba siya at hindi magseselos sakaling i-guest ang nobyong dancer-actor (Rayver) sa bagong musical variety show ni Sarah na Sarah G Live!, walang kagatol-gatol na sinagot nito na kung siya ay medyo iiwas na maging panauhin sa show dahil baka marami pang masabi, kay Rayver ayos lang daw sa kanya at hindi siya magseselos kung mag-guest man ito sa programa ng ex.

Samantala, masaya si Cristine dahil aside sa bagong teleserye na kasama sina Piolo Pascual, Jericho Rosales at Maricar Reyes ay malapit na silang mag-start mag-shoot ng follow-up sa blockbuster movie na No Other Woman. Bongga gyud!

o0o

Gerald Anderson big asset ng clothing company bilang new endorser

SA POPULARIDAD ngayon ni Gerald Anderson na lalo pang sumisikat dahil sa teleseryeng Budoy na gabi-gabing napa nonood sa Kapamilya network, aba’y panalung-panalo ang isang clothing company sa pagkuha nila kay Gerald bilang bagong karagdagan nilang celebrity endorser. Actually ayon pa sa owner ng kompanya na si Ma’am Stella Sy, matagal na nilang gustong kunin ang serbisyo ni Gerald, kaya lang marami pang committment ang actor at alam naman nating nakakontrata ito sa sikat ding clothing company. So, finally, nang okey na ang lahat ay nagkasarahan na kaagad ng deal ang clothing company with Gerald and his management Star Magic.

Ngayon, dalawa na sila ni Xian Lim na mga bagong clothing ambassador ng naturang kompanya na nagsi-celebrate ng kanilang 10th year sa fashion industry. Taong 2002 nang mag-start sila ng kanilang first branch sa SM Southmall. Ngayon ay mayroon na silang 34 stores at bago matapos ang taong ito ay aabot na sila sa 40 stores.

At para mas lalo pa silang makilala sa mga probinsiya lalo na sa parte ng Luzon, Visayas at Mindanao open na sila at tumatanggap ng franchising. By the way, iilan lamang ito sa mga local brands na may Spring/Summer and Fall/Holiday collections.

At sosyal dahil ang sikat na couturier lang naman na si Pepsi Herrera ang designer ng kanilang mga clothing line. Anyway, dahil sa good looks ni Gerald at image kung saan trendsetter sa mga youth ang actor, ang Spring at Summer ang siyang sinisimulan nitong i-endorso ngayong 2012. At kahanga-hanga ang pictorial nito na inspired sa Reno and Las Vegas kung saan lumitaw ang pagiging macho ni Gerald sa kanyang suot na  jeans and leather get-up. Makakabili rin kayo ng mens and ladies watches rito with affordable price.

Big asset si Gerald ng kompanya at siguradong tataas pa ang sales nila sa market. Di ba naman Ms. Thess Gubi of Star Magic?

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply