Walang ‘small lady’ sa CCTV – Sen. Sotto

IMPOSIBLENG hindi mahagip ng CCTV cameras ng Senado ang sinasabing pag-aabot ng isang “small lady” kay House prosecution member Congressman Rey Umali, na naglalaman ng mga bank accounts ni Supreme Court (SC) Chief Justice Renato Corona.

Ayon kay Senate Majority Floor Leader Vicente “Tito” Sotto III, siya mismo ang

tumingin sa mga kuha ng CCTV, sa utos ni Senate President at impeachment presiding officer Juan Ponce Enrile na busisiin ang mga rekord upang matiyak kung totoo ba o hindi ang mga pahayag ni Umali.

Lahat din aniya ng sulok ng Senado ay may CCTV camera kaya imposibleng hindi makuhanan ang pag-uusap ni “small lady” at ni Umali.

“Sa Senado po hindi ho bababa sa apat na camera bawat anggulo. Hindi lang ng 1st floor, hindi lang sa entrance kundi pati sa kalsada, pati pag-akyat mo, sa hagdanan, 2nd, 3rd, 4th, 5th and 6th, lahat ng corridors, lahat ng harapan ng mga pintuan,” ani sotto.

Sinabi pa ng senador na hindi rin niya alam na ganito pala karami ang CCTV sa Senado kung hindi pa siya inatasan ng pangulo ng Senado.

“Tingin po ng CCTV ng sgt-at-arms, he was not exactly saying truthful to what he was saying to the court,” sabi ni Sotto.

Sinabi ni Sotto na may nakitang kausap na babae si Umali ngunit wala siyang inabot na dokumento at miyembro umano ng media ang naturang babae.

Una nang inihayag ni Umali na iniabot sa kanya ang envelope ng isang babae bago siya sumakay ng sasakyan pero sinabi ni Sotto na wala ring ganitong insidente sa parking lot.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply