Waling-waling bilang pambansang bulaklak

HINDI lang sampaguita ang tatawaging pambansang bulaklak kundi pati na rin ang waling-waling matapos na aprubahan ng Kamara sa ikalawang pagbasa ang House Bill No. 5655 na iniakda ni Rep. Mylene Garcia-Albano (2nd District, Davao City).

Ayon kay Albano, ang chairman ng House committee on national cultural communities and reforestation, ang waling-waling ay isang indigenous o katutubong bulaklak sa bansa kumpara sa sampaguita, na isang native plants mula sa India at Arabia na ideneklarang Philippine national flower sa ilalim ng Proclamation No. 652 noong Pebrero 1, 1934.

Ang waling-waling na isang magandang uri ng orchids, kilala sa tawag na “vanda sanderiana,” ay matatagpuan sa kagubatan ng Mount Apo sa Davao at Zamboanga del Sur, ayon kay Albano.

Idinagdag pa ni Albano na ang waling-waling na kinilala din bilang Queen of Philippine Flowers, ay tanyag sa Singapore, Thailand, Hong Kong at Hawaii, na isang sikat na orchid sa buong mundo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply