Planong pag-walkout itinanggi ng prosekusyon

PINABULAANAN ngayon ng House Prosecution team ang kumakalat na planong “walkout” ng grupo ngayong hapon sa pagpapatuloy ng paglilitis laban kay Chief Justice Renato Corona.

Aurora Rep. Sonny Angara, walang katotohanan at malayo aniya sa katotohanan ang isyu ng walkout sa prosecution.

Paliwanag pa ni Angara na kahit anong nangyayari sa loob ng Senate Impeachment Court, maganda man o hindi ay palaging andun ang prosekusyon bilang pagbibigay suporta sa lahat ng kasamahang prosecutors.

Tiniyak pa ni Angara ang pagrespeto ng prosecution team sa proseso at sa institusyon ng saligang batas.

“Not at all po. Nakita ninyo naman kahit anong nangyayari sa loob ng trial andito pa din kami alang-alang sa pagrespeto sa proseso at sa institusyon,” sinabi pa ni Angara.

Binigyang diin naman ni Marikina Rep. Miro Quimbo na maaaring nagiging katawa-tawa para sa iba ang panenermon ng mga senador sa prosekusyon subalit hindi aniya tamang kinakastigo at tinatratong mga estudyante ang miyembro ng Kongreso.

Paglilinaw pa ni Quimbo na hindi naman nagbabalat-sibuyas ang prosekusyon subalit mahirap aniyang tanggapin ang sermon at insulto na natatanggap nila mula sa impeachment court.

Kumalat ang mga balitang magwo-walk out sa impeachment trial ang mga prosecutors ngayong hapon at itutuloy diumano ang panawagan ukol sa pagbibitiw ni Chief Justice Renato Corona sa pagdiriwang ng Edsa Revolution sa Sabado, Pebrero 25, 2012.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply