Walkout sa Maynila at Holy Water sa Pasay

LUMALABAS tuloy ngayon na malayong-malayo ang istilo ng pamumuno ni Lim kumpara kay Atienza. ‘Yan ang sinabi ng mga guro nang magtipon-tipon sila bilang protesta sa patuloy na na-uunsiyaming benepisyo. Si Atienza daw kasi ay iba ang panuntunan sa mga empleyado — gumawa kayo, magtrabaho kayong mabuti, huwag lang kayong mangurakot at may incentives kayo!

Pero ano nga ba ang dahilan kung bakit hindi maibigay ang financial support ng mga empleyado ng lungsod gayung siyam na taon na itong pinakikinabangan nila?

Isa kaya ito sa mga epekto ng pagbibigay ng pamahalaang-lungsod ng tax exemption sa dambuhalang Smart Telecom na may ilang-daang milyong piso rin ang halaga kada taon?

O baka naman may butas ang buslo ng pamahalaang lokal kung kaya’t hindi maipagkasya ang pondo!

Ito rin daw ang dahilan kung bakit plano diumano ng ad-ministrasyon ni Mayor Lim na ibenta ang ibang mga ari-arian nito katulad ng Century Park, ang Ospital ng Maynila at ang Manila Zoo.

Kasama rin sa plano ang isang reclamation project para sa nasirang baywalk. Ayon sa impormante natin, posible raw na ibenta at hindi paupahan sa mga investor ang mga espasyo o lote sa naturang baywalk.

Hintayin natin ang tugon dito ni Mayor Lim!

* * *

KAILANGAN siguro’y isang balde ng “holy water” ang dapat iwisik ng paring nagsasagawa ng banal na misa sa Pasay City Hall kada linggo.

Ang dahilan kung bakit ko nasabi ito ay dahil sa laganap na ang ginagawang pangangalunya ng ilang opisyales ng lungsod sa mga empleyada nila na kaya lamang pumapatol dahil sa kakapusan din sa pera o ginhawa sa buhay.

Ang masama lang, mga ilaw din ng tahanan o ‘yung tipong may asawa’t anak din ang pinapatos ng mga manyakol na opisyal ng lungsod.

Katulad na lang ng nakarating sa akin na info na isang mataas na opisyal ng Pasay ang ngayon ay may lihim na relasyon sa isang babae na opisyal din ng lungsod.

Ito daw ang dahilan kung bakit ngayon ay tila lalo pang nalulong sa casino ang misis ng naturang high-ranking city official habang ang “ka-relasyon” naman daw ng kanyang mister ay may “mando” ngayon sa City Hall.

Tsk, tsk, tsk! Akala ko’y hanggang sa nakawan ng pera ng bayan lang ang magiging kasalanan ng mga animal na opisyal ng lungsod.

Hahantong din pala kinalaunan sa kaimoralan. Bahala na si Bathala kung paano kayo parurusahan pagdating ng takdang panahon!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply