Water level sa La Mesa Dam binabantayan

UMABOT sa 79.65 meters ang water level ngayong alas-7:00 ng umagasa La Mesa Dam.

Ayon kay Ronald Garcia ng La Mesa Common Purpose Facility, ang spilling level ng La Mesa Dam ay 80.16 meters.

Ngayong araw, asahang hindi na gaanong kalakasan ang pag-ulan, ayon sa pagtataya ng PAGASA.

Samantala, tiniyak ni Region III OCD Dir. Josie Timoteo na handa na ang Central Luzon kasama na ang Bulacan at Pampanga kung sakaling manalasa ang tuluy-tuloy na mga pag-ulan matapos ang babala ng NDRRMC sa posibleng landslide at flash flood sa Gitnang Luzon dala ng mga pag-ulan.

Ayon kay Timoteo, natuto na ang mga lalawigan sa Central Luzon matapos na manalasa ang bagyong “Kiel” at “Pedring” noong isang taon at kumbinsido silang hindi na mauulit ang matinding pagbaha dahil sapat na ang kanilang mga rescue equipment at sumailalim na rin sa training seminars ang mga nasabing rehiyon. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply