Way we were

SA susunod na mga buwan ay magbabaksyon na ang ating  mga estudyante mula sa mga pampublikong paaralan ngunit kasabay nito ay lumalabas naman ang iba’t ibang reklamo ng mga Pinasikat ni Rico J. ang kan-tang “The Way We Were” na hango sa pelikula na pinagbidahan nina Robert Redford at Barbara Streisand noong dekada 70’s.

Hit na hit ang mga kataga ni Rico J. na “Alaala ng tayo’y mag-sweetheart pa namamasyal pa sa Luneta kahit walang pera.”

Ngayong Valentine’s season, balikan natin ang lumipas na panahon. Masarap alalahanin ang mga araw na nagpaligaya sa atin, diba? Pero ika nga ni pareng Rico J. “Bakit ganoon, kung sino pa ang mahal mo, siya pa ang nawawala sa buhay mo.

Kung sino pa ang kasing halaga ng buhay mo.”

Bakit nga kaya? Marahil ang kasagutan ay nasa awitin din ni Rico J. Ang pamamasyal sa Luneta ng walang pera ay simbolo ng isang simplenag buhay.

Masarap ang simpleng bu-hay. Basta’t kasama mo ang mahal mo, okey lang na pasyal lamang kahit walang gaanong pera sa bulsa. Ngunit nagbabago ang kagustuhan ng tao. Marahil ang simpleng buhay ay naging mahirap na buhay. Kailangang magtrabaho at lumayo para sa masaganang buhay. At kapag lumayo na sa isa’t isa ay natutuluyan na sa paghihiwalay.

Natatabunan na ang pagmamahal ng ambisyon sa buhay. Nawawala na ang simpleng buhay at nagiging komplikado na ang lahat. Hindi na marahil kuntento sa Luneta mamasyal at baka sa Boracay o Hong Kong na! Pero ang tanong, kasama mo pa kaya
ang mahal mo sa buhay?

Balikan natin ang kanta ni Pareng Rico J. “And if we had the chance to do it all again”, kung may pagkakataon na balikan ang nakaraan ay gagawin ba natin? O mas mabuti na manatili na lang sa magagandang alaala ang lumipas. Marahil ay depende kung masaya tayo ngayon o kuntento sa kasalukuyan.

Pero saan na nga kaya ang mga taong naging bahagi ng simpleng buhay natin?
Magkikita pa kaya tayo para sariwain ang kahapon? At kung sakali na magkita tayo, ganoon pa nga ba tayo sa isa’t isa o hindi na? Tanungin natin si Pareng Rico J. at sasabihin niya sa awitin niya ang sagot – “MAY BUKAS PA!”

* * * * *

Happy Birthday sa mga sumusunod na February celebrants: Christela Martinez, CJ Martinez, Kgd. Tony Checa, Liwanag Abe-samis, Vincent Calaguas, Nelson Bautista, Ida Larmelaina, IC Seismundo, Kgd. Lapore, at ang pangulo ng Kagawad Foundation, Butch Ubaldo. God Bless sa iyong lahat!

Congratulations din sa Grand winner ng Happy Yipee Yehey na My Girl at texter’s choice, ang dating Himig Ariel Scholar na si KOREEN MEDINA at sa proud mother niyang si Ate Baby Medina. God Bless!

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply