West pinagpag ang East

MASAKLAP ang pagkatalo ni Kevin Durant sa three-point contest kaya bumawi ito sa laro upang tulungan ang West team na talunin ang East, 152-149 sa 2012 NBA All-Star game na ginanap sa Orlando, USA.

Umariba si Durant ng 36 puntos, seven rebounds at three assists upang tanghaling All-Star MVP habang si Los Angeles Lakers star player na si Kobe Bryant ay nagtala ng 27 points para lampasan naman ang All-Star record ni Michael Jordan na 262 pts.

Angat ng 19 puntos ang West, 88-69 sa half time subalit naibaba ng East sa isang puntos ng mag-umpisang mangalabaw si LeBron James at ang kakampi nitong si Dwyane Wade.

“With all these great players on the floor, you never know what will happen. Guys making big shots and they cut it down to one. We were up 19 (at halftime),” sabi ni Durant.

Pinasarap ni Wade ang laban ng isalpak nito ang dalawang freethrows para sa 150-149 abante ng West may 22 segundo na lamang ang natitirang oras.

Isang mabilis na foul agad ang ginawa ni Wade kay Bryant upang huminto ang oras.

Pumuwesto si Bryant sa foul line at dahil sa tindi ng tension gawa ng pag Boo ng mga manonood ay isa lang ang naitarak niya, (151-149) upang makuha ni Wade ang bola may 16 segundo na lang sa oras.

Nagkaroon ng pagkakataon na maibato ni Deron Williams ang bola sa three-point arc para sa panalo ng East subalit sumablay ito.

Nakuha pa rin ni Williams ang rebound matapos itong magmintis at ibinigay sa kakamping si James ngunit naagawan naman ang huli ni Blake Griffin upang lumiwanag ang panalo ng West.

“I can’t turn the ball over like that,” wika ni James. “I let my team down, but overall it was a great weekend.”

Tumikada si James ng 36 points, pitong assists at anim na boards habang double-double si Wade na may 24 pts. at tig 10 boards at assists.

“Just being a competitor,” ani James. “They pretty much beat us up all game so we just wanted to make a game of it.”

Nag-ambag si Griffin ng 22 pts. habang si Russell Westbrook ay may tinikadang 21 puntos,

Si Kevin Love na tumalo kay Durant sa three-point contest ay umiskor ng 17 puntos at pitong rebounds habang si Dirk Nowitzki ay umiskor lang ng 7 para sa West.

Umiskor si Williams ng 20 at sina Carmelo Anthony at Derrick Rose ay may 19 at 14 para sa East ayon sa pagkakasunod.

Samantala, kahit natalo ang East ay masaya pa rin ang home crowd ng Orlando dahil umiskor ang kanilang pambatong si Dwight Howard ng nine markers, 10 boards at tatlong assists.

“We did it big for our city,” sibi ni Howard.

Lalong sumaya ang fans ng magsayaw sa gitna ng court sina Howard at James suot ang makulay na sapatos at binigyan pa ang una ng standing ovation ng ipakilala ito sa All-Star pregame introductions.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply