West Valley fault sa QC binabantayan

KASUNOD ng magnitude 6.9 na lindol na yumanig sa Visayas noong Lunes (Pebrero 6), ipinagmalaki ng Quezon City government na handang-handa na silang magkasa ng emergency response services sakaling tumama ang malakas na paglindol sa lungsod.

Ito ang tiniyak kaninang umaga ni Mayor Herbert Bautista sa mga residente ng lungsod dahil bago pa ang lindol sa ilang parte ng Visayas ay nakapagkasa na sila ng kaukulang preparasyon para sa ‘disaster risk mitigation and management.’

Sa polisiyang ito ng lokal na pamahalaan, mababawasan aniya ang kaswalidad at maging ang danyos sa mga ari-arian sa panahon ng lindol at iba pang kalamidad.

Sa pamamagitan ng media, sinamantala na rin ni Bautista sa ginanap na pagpulong at sa regular QC executive committee meeting, ang paghingi ng kooperasyon ng mga residente ng lungsod na maging handa rin sa ganitong sitwasyon lalo na sa panahon ng lindol.

Hinikayat ni Bautista ang mga homeowner at residente sa lugar na malapit lamang sa West Valley Fault, partikular ang mga nakatira sa ibabaw ng fault line, na kumilos na at lumipat na sa ibang lugar na malayo sa fault line.

“Our plan is to discourage the construction of structures within the 5 meter-wide borders or buffer zone on both sides of the fault line.  We are considering declaring this buffer zone as non-residential to avoid further damage in case of ground rupture,” pahayag pa ni Bautista.

Bukod pa rito, halos matatapos na ng city government ang pagkakasa ng tagging, marking at installation ng physical markers sa mismong actual locations ng fault line, sa tulong na rin ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply