Whitney Houston na-overdose sa droga

MAKARAANG makumpirmang pumanaw na nga ang international singer na si Whitney Houston sa edad 48, kumalat naman ang balitang ang sanhi ng kamatayan nito ay ang pagka-over dose sa illegal drugs.

Nauna nang kinumpirma ni Kristen Foster, malapit na kaibigan ng singer ang hindi pa matukoy na dahilan ng pagkamatay ni Houston.

Sa imbestigasyon, natagpuang wala nang buhay si Houston sa Beverly Hilton hotel sa California.

Matatandaan na taong Mayo 2011 nang humingi ng tulong ang nasabing international singer hinggil sa problema niya sa droga at alcohol dahilan para isailalim sa rehab program.

Taong 2004 nang muling pumasok sa rehab si Whitney at noong 2005 ay muling sumailalim sa treatment.

Si Whitney Elizabeth Houston ay isinilang noong August 9, 1963.

Taong 2006 nang tapusin niya ang 14-year marriage nila ng singer ding si Bobby Brown.

Ilan sa pinasikat niyang kanta ay ang “I Will Always Love You,” “I Wanna Dance with Somebody,” “I Have Nothing,” “Greatest Love of All,” “Where Do Broken Hearts Go,” “Didn’t We Almost Have It All” at marami pa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply