Wish na arraignment ni CGMA ibinasura

IBINASURA ng Pasay City Regional Trial Court (RTC) ang kahilingan ni dating Pangulo, ngayon ay Congresswoman Gloria Macapagal Arroyo na maituloy na sa Pebrero 20 ang kanyang arraignment.

Sa ginanap na pagdinig kaninang umaga sa Pasay Regional Trial Court Branch 112 sa sala ni Judge Jesus Mupas, nagkaroon ng close door meeting o chamber conference ang korte at pinagpasyahan na lamang na “submitted for resolution” ang naturang mosyon ng kampo ni GMA.

Ito ay dahil sa hindi sumang-ayon ang prosekusyon sa hirit ng dating pangulo sa  speedy trial o isagawa na sa susunod na linggo ang arraignment nito at ‘wag nang isabay kina Dating Maguindanao election supervisor Lintang Bedol at Andal Ampatuan Sr. na kapwa nahaharap din sa kasong electoral sabotage.

Ayon kay Atty. Esmeralda Ladra ng prosecution panel, mas madali para sa Philippine National Police na maibigay ang maayos na seguridad kung sabay-sabay na babasahan ng sakdal sa korte sa March 19 sina GMA, Bedol at Ampatuan Sr.

Ngunit iginiit naman ni Atty. Ray-Montril Santos, abogado ni GMA, nais nila maunang ma-arraign ang kanyang kliyente sa Pebrero 20, dahil mas mahihirapan ang awtoridad na bigyan ng seguridad ang tatlong akusado kung pagsasabayin dahil na rin sa posibleng pagdami ng mga demonstrador.

Inihayag naman ni Police Security and Protection Group Chief Supt. Lina Sarmiento na anumang oras at anumang set-up na mapagdedesisyunan ng korte para sa naturang arraignment ay nakahanda ang kanilang hanay upang proteksyunan ang mga nasasakdal.

Bunsod nito, dahil sa hindi magkasundo ang dalawang panig nagdesisyon si Judge Mupas na submitted for resolution na lang ang naturang usapin at nagbigay daan upang maibasura ang mosyon ni GMA na speedy trial.

Kahapon ay naghain ng mosyon ang abogado ni Gng. Arroyo na humihiling na huwag nang ibimbin ang nakatakdang pagbasa ng demanda laban sa kanilang kliyente sa paniwalang hindi naman sangkot sa naturang usapin ang dating pangulo.

Bukod dito, ikinatwiran din ni Atty. Benjamin Santos, abogado ni Gng. Arroyo na dapat mahiwalay ang pagbasa ng demanda sa kanilang kliyente dahil sa taglay niyang karamdaman.

Hindi rin naman aniya makaaapekto sa iba pang akusado kung uunahing basahan ng demanda si Gng. Arroyo, bukod sa mas magiging kombinyente rin dito ang hukuman.

Nauna nang iniurong ni Pasay RTC Judge Jesus Mupas ng Branch 112 ang pagbasa ng demanda kay Gng. Arroyo sa Marso 19 sa halip na sa Pebrero 20 na una niyang itinakda matapos maghain ng motion for reconsideration si Atty. Albert Lee Angeles, abogado ni dating Maguindanao Governor Andal Ampatuan, Sr. na kasama ring nahaharap sa kasong electoral sabotage.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply