‘World Wetlands Day’ ipinagdiwang sa Pilipinas

BUNSOD ng selebrasyon ng “World Wetlands Day” sa bansa, ipinagmalaki ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang dalawang tagumpay ng Pilipinas sa pagsusulong ng pangangalaga sa kalikasan.

Ayon kay Environment Secretary Ramon J.P. Paje, ang pagkakadeklara sa Puerto Princesa Underground River (PPUR) bilang isa sa Seven Wonders of Nature sa buong mundo at ang adoption ng Manila Declaration para sa mas pinaigting na implementasyon ng Global Programme of Action (GPA) for the Protection of the Marine Environment ang nagmarka sa selebrasyon ng World Wetlands Day (WWD).

“This is definitely a ‘double success of sort’ for our wetland areas in particular, and the marine environment in general.  In both events, Filipinos should take pride for taking the lead in the global effort to protect wetland areas not only for the economic benefits they provide but also the ecological services that we are now enjoying, and which we want the next generations to also enjoy,” pahayag pa ng kalihim.

Sinabi ni Paje na ang kadedeklara pa lang na wonder of nature ang pinakamagandang halimbawa sa tema ng WWD ngayong taon na “Wetlands and Tourism.”

Idinagdag pa ng kalihim na ang underground river ay bahagi ng national park na binubuo ng iba’t ibang magkakakonekta na ecosystems mula sa kabundukan patungo sa karagatan na kinabibilangan ng kagubatan, at inland wetlands na tulad ng ilog at latian, at mga coastal wetlands na tulad ng tidal flats at seagrass beds.

Idineklara ang National Wetlands Day sa bisa ng Presidential Proclamation No. 74, series of 1999.

Wetlands ang tawag sa mga lupang permanente o pana-panahong nalulubog sa tubig tulad ng mga lawa, ilog, latian, marshes, peatlands, estero, tidal flats, mangroves at coral reefs. Kabilang din sa wetlands ang mga lupang nasa ilalim ng man-made sites gaya ng fish ponds, palayan at reservoirs. 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply