Wowowee, Win Na Win at HHY taob sa Eat Bulaga… Ang It’s Showtime kaya?

ILANG taon na o mas tamang sabihin na ilang dekada na ang lumipas ay umiere pa rin ang pinakamatagal na noon time show sa Pilipinas, ang Eat Bulaga, na pinangungunahan ng mga itinuturing na institusyon na sa showbiz na sina Tito, Vic at Joey.

Marami na itong nakatapat na pangtanghaliang programa. Dumaan ang Magandang Tanghali Bayan (MTB), Wowowee (na infairness ay lumaban at nakipagsabayan sa Bulaga, sayang at naudlot lamang), Pilipinas Win Na Win (nina Kris Aquino at Robin Padilla na nasibak agad sa ere) at ang latest, ang Happy, Yipee Yehey! na ang huling episode ay sa Sabado (Pebrero 4).

Masasabi ko na ang pinaka-matinik na nakalaban ng Bulaga ay ang Wowowee na tumagal ng ilang taon.

Sa darating na Lunes (Pebrero 6) ay magsisimula na ang “It’s Showtime,” ang bagong bihis na “Showtime” sa bago rin nilang timeslot na 12:00 n.n. katapat ng Eat Bulaga.

Yes, isa ng noon time show ang It’s Showtime ng “gang” ni Direct Bobot Vidanes na pinagtatampukan nina Vice Ganda, Anne Curtis, Karylle, Vhong Navarro, Billy Crawford, Kuya Kim Atienza, Jugs, Teddy at ang tatlong karagdagang host na mula sa mga hurado na sina Ryan Bang, Coleen Garcia at ang tinaguriang “Sample King” na si Jhong Hilario.

Matagumpay ang ilang season ng Showtime. Napasikat nila ang first season champion na XB Gensan. Ang isang finalist nila ay lumaban at nagwagi sa isang international dance competition.

Dagdag pa na nakapagpasikat sila (partikular na ang mahusay na si Vice) ng ilang “litanya” gaya ng “May nag-text!”, “Waley,” “Havey,” “Madlang Pipol” at ang pinakabago ay ang “Eksaherada!”

Kung sisilipin din ninyo ang Twitter account ng mga Showtime host at judges ay makikita ninyo kung gaano kadami ang kanilang fans! At mababasa rin kung gaano sila kamahal ng fans na karamihan ay kabataan.

Marami rin silang commercials, na isang indikasyon na nagri-rate ang kanilang show! Tama ba?

Ngunit ang tanong ngayon kayanin kaya nila ang bagsik ng Eat Bulaga? O patataobin din sila nito gaya ng MTB, Wowowee, Win Na Win at HYY?

Well, ang mahalaga naman ay ang magpapasaya ng mga Filipino sa pamamagitan ng programa sa telebisyon, na mayroong iba-ibang taste o panlasa!

Congratulations sa It’s Showtime at good luck!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply